SERVICES
GABAY SA PAGKUHA NG SCHOOL RECORDS
Upang makasiguro na maayos na maipoproseso ang inyong request, marapat po na basahin muna ang mga gabay na nakasulat sa ibaba.
Marso 15, 2021
Mga Minamahal Naming mga Magulang at Mag-aaral:
Dahil sa muling pagdami ng mga taong tinatamaan ng virus na Covid-19, simula ngayong araw Marso 15, 2021 hanggang Abril 15, 2021, ang atin pong paaralan ay magpapatupad ng pag-iingat para sa lahat. Lilimitahan na ang pagpasok ng mga tao sa loob ng paaralan lalo’t ang serbisyo ay maaari namang ibigay online.
Simula po sa araw na ito, ang mga requests for school records tulad ng certification, report card, Form 137 at diploma ay tatanggapin na lang ng mga guards on duty.
Maaari nyo pong iwanan ang inyong request at iba pang requirements sa aming guard o kaya ay mag email sa erjhsregistrar@yahoo.com.
Maari nyo ring bisitahin ang aming FB page ERJHS.Official para magfill up ng request sa aming Google Form.
Mga requirements sa pagkuha ng school record:
A. Kung para sa school
1. Request mula sa school
2. Photocopy ng valid ID ng may-ari ng school record
3 Dapat nakalagay sa request kung anong school year ang huling natapos (kung maaari ay pati ang section), at anong grade level
4. Isulat din sa request ang contact number ng may ari ng school record
B. Kung para sa employment, pag-aayos ng birth certificate, retirement, o travel abroad
1. Letter of Request galing sa may-ari ng school record
2. Ilagay sa sulat kung para saan gagamitin at anong taon naka graduate,pati ang contact number
3. Kung hindi naka graduate, anong grade level ang huling natapos at anong school year
4. Ilagay ang maiden name kung ang nagrerequest ng kanyang school record ay married na
5. Photocopy ng valid ID ng may-ari ng school record
C. Certification of Enrolment para sa 4P’s ng DSWD at sa iba pang educational assistance
Ang adviser ang nagbibigay ng certification para dito. Sapagka’t sa panahong ito na walang face to face classes, ang adviser ang syang nakakaalam sa status ng mga mag-aaral. Sila rin ang nakakakilala sa mga magulang.
D. Duplicate Diploma
1. 2 copies ng Notarized affidavit of Loss (Kailangang ang may-ari ng diploma ang nakapirma dito)
2. Valid ID ng may-ari ng diploma
3. Isulat sa photocopy ng valid ID ang contact number ng may-ari ng diploma
Kung ang nagrerequest o kukuha ng mga school records ay authorized representative lamang, kailangang magdala o magbigay ng authorization letter, kasama rin ang kanilang valid ID.
Ang mga magrerequest ay tatawagan ng School Registrar kung kailan babalikan ang hinihinging dokumento. Maaari rin naming i-email ang mga ito, maliban sa duplicate diploma.
Hinihiling po naming ang inyong lubos na pang-unawa.
Hangad po naming ang kaligtasan ng bawat isa.
Maraming Salamat po.
Gumagalang,
NERISSA RUANTO
Teacher-Regsitrar
09683108695.
Pinagtibay:
GINA L. OBIERNA
Principal II
CLICK THE LINK BELOW TO REQUEST SCHOOL RECORDS